Pasaway sa barangay kulong sa baril

NABAWASAN ang pasaway sa isang barangay matapos mahulihan ng baril ang sinasabing holdaper, carnapper sa Caloocan City kaninang madaling araw.

Nakilala ang suspek na si Jose Sunga, 32, ng Phase 9, Bagong Silang ng lungsod.

Batay sa ulat, dakong alas-4 ng madaling araw, nagpapatrulya ang mga pulis sa Phase 1, Bagong Silang nang masita ang suspek.

Nang kapkapan ay nakuhanan ng kalibre .22 at nang walang maipakitang papeles ay agad na dinala sa presinto.

Si Sunga ay sinasabing holdaper at carnapper na naging dahilan ng sakit sa ulo ng mga barangay tanod.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply