Paslit patay sa dengue sa General Santos City

ISANG dalawang anyos na batang babae ang iniulat na pinakahuling namatay sa sakit na dengue sa General Santos City.

Ang biktima ay kinilalang si Bea Batislaon, residente ng Zone 6, Barangay Bula sa lungsod. Ang biktima ang sinasabing ika-17 namatay dahil sa naturang sakit na mula sa kagat ng lamok sa lungsod ngayong taon simula noong buwan ng Enero. Umabot naman sa 600 ang nadala sa ospital.

Hindi naman inakala ng ina ng biktima na si Janice, na mamamatay ang kanyang anak dahil noong nakaraang araw lang ay wala na umanong lagnat ang bata subalit binawian pa rin ito ng buhay matapos na umakyat ang virus sa ulo nito.

Puspusan na ngayon ang ginagawang paglilinis ng mga kapitbahay ng biktimang namatay matapos na isinugod sa General Santos City Hospital ang isa pang residente dahil sa mataas na lagnat. Lahat ng magulang ay nababahala na ngayon sa kanilang kalagayan.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply