Paslit tigok sa tarak ng kalaro

NAMATAY ang isang 4-anyos na babae makaraang tarakan umano ng barbecue stick ng kalaro nitong 3-anyos na lalaki sa Barangay Sauyo, Quezon City.

Base sa salaysay ng ina ng biktima na kinilalang si Ginang Reyna Evangelista, nakita na lamang niyang nakatarak sa dibdib ng kanyang anak ang isang barbeque stick.

Nabatid na nag-away umano ang dalawang paslit sa gitna ng kanilang paglalaro kaya’t sinaksak ng batang lalaki ang batang babae.

Sumailalim pa sa operasyon sa puso sa Quezon City General Hospital ang biktima ngunit hindi rin nakayanang isalba makaraang tamaan ng impeksyon at pnuemonia.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply