Patay kung patay alang-alang sa girlfriend!

AYAW talagang tantanan si Derek Ramsay ng pangalang nagsisimula sa letrang A. Pagkatapos ni Angelica Panganiban, isang nagngangalang Alexa Ramos ang nali-link ngayon sa guwapong host ng Amazing Race Philippines ng TV5 na magsisimula sa Oct. 29. Gaya ni Derek, Frisbee player rin ito.

Si Alexa ang laging tinutukoy na non-showbiz girl na dine-describe niyang sporty.

“She’s my friend. We’re very good friends,” sey lang niya.

“She’s a lovely girl. She’s very into sport. Very into the outdoors. Loves life. She’s very spontaneous just like me. She’s very beautiful. She’s pretty, so… a, hanggang doon na lang muna,” dagdag pa niya sa isang panayam.

Wala pa raw sila sa status na naiitindihan ni Alexa ang kanyang busy schedule.

Tulad ng sinasabi ni Derek, gusto niyang maging pribado ngayon ang lovelife niya.

Yeah Ba!

-0o0-

MASUSUBOK ang galing nina Vhong Navarro at Carmina Villaroel sa pagluluto sa Toda Max ngayong Sabado (October 27) dahil haharap ang dalawa sa isang showdown na tutukoy kung sino ang mas magaling sa kusina.

“Handang-handa ako dito sa cooking competition namin ni Vhong kasi last year nag-enroll ako sa isang culinary school para mas lalo pa akong gumaling sa pagluluto. Kaabang-abang itong cooking showdown namin,” ani Carmina na guest sa Toda Max.

Gaganap si Carmina bilang si Chef Mina, isang four-time winner ng competition na That’s My Chef. Isang panalo na lang at makakasama na siya sa Master Chef Hall of Fame kaya naman determinado siyang manalo.

Talbog!

-0o0-

TINANONG si Dingdong Dantes kung ililigtas niya si Marian Rivera sa mga daga pag napaliligiran ito. Very vocal kasi si Dong na takot siya sa daga.

If ever na mag-guest siya sa “Extra Challenge” ay gagawin naman raw niya lahat ng challenge, ‘wag lang ‘yung nasa panganib ang girlfriend niya.

“Game ako riyan. Sige lang. kahit ano para sa kanya. Para kay Marian talaga lahat kakayanin ko. Patay kung patay,” deklara niya nang makatsikahan namin siya sa victory party ng kanyang pelikulang Tiktik: The Aswang Chronicles” na kumita ng P10.8 million sa opening day nito at ngayon ay nasa second week na.

Sa Lunes ay may storycon na si Dingdong sa bagong serye niya sa GMA 7 kasama pa rin si Kylie Padilla, sa direksyon ni Maryo J. Delos Reyes. Ito ‘yung ipapalit sa na-shelved na Haram.

How true na ngayon pa lang ay pinagseselosan na ni Marian si Kylie Padilla?

“Hindi! Panoorin mo ‘yung Extra Challenge, okey sila,” aniya.

‘Yun na!

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply