Patay na si ‘Deli’…Cadeza?

MINSAN hindi madaling tanggapin ang persepsyon ng marami na patay na ang delicadeza sa pulitika.
Dahil ako mismo ay nasa mundo rin ng pulitika, hindi maiwasan na masaktan lalo pa at ako, at marami sa aking kakilalang pulitiko, ay nangingimi rin naman sa mga sitwasyon na natatamaan ang delicadeza.

Totoo na marami ring mga sitwasyon na ako rin ay napapangiwi sa minsan ay harapan at walang kawawaang kapal ng mukha ng ilan. Pero para sa akin ay mas mahalaga na kaya kong patunayan na hindi pa naman patay si “deli … cadeza.”

Marami pa rin ang binibigyang-halaga ang ibig sabihin ng salitang ito. Gawin kong ehemplo si Grex Lagman o si Edcel Lagman, Jr. Kasabay kong naging konsehal ng Quezon City si Grex at nakita ko kung paano siya magtrabaho. Masasabi kong napanindigan ni Grex Lagman ang reputasyon ng kanyang pangalan.

Ang apelyidong Lagman ay nakaukit na sa kasaysayan ng pultika ng ating bansa. Sa huling taon ng kanyang huling termino, nagbitiw si Grex bilang Konsehal ng Lungsod ng Quezon dahil sa intensyon na tumakbo bilang Kongresista sa First District of Albay, ang bayan kung saan tubong nagmula ang mga Lagman.

Doon pa lang, napatunayan na ang delicadeza. Pero may mga pumipiyok, dahil ang pumalit sa iniwang pwesto ay ang butihing maybahay ni Grex na si Ivy.

At nito ngang nakaraang filing ng Certificate of Candidacy nag-file for Congressman si Edcel Lagman, Jr. pero hindi na ang kanyang asawa bilang Konsehal. Bakit? Muli, delicadeza.

Kaya buhay, buhay na buhay si “deli … cadeza”!

Marami siguro ang nagulat na hindi tumakbo si Ivy.
Ang sabi ng iba, kaya siya pinuwesto doon ay para maproteksyunan ang pwesto na iniwan ni Grex pero yun pala ay para totoong may magtuloy sa serbisyong naiwan.

May iba pang pilit na binibigyang-malisya ang pag uwi ni Grex sa Albay para maging Congressman doon.
Ang tanong, kung ang isang tao ba na taga-Albay ay nakipagsapalaran at nagtagumpay sa ibang bayan, tulad halimbawa sa QC, hindi na siya taal na taga-Albay?

Hindi ba ang puso mo ay naiiwan sa bayan ng iyong mga ninuno? Ang mga taga Albay ang mas may karapatan na mag-decide kung nawala ba ang delicadeza sa usaping ito.

At sa eleksyon ang pinal na desisyon. Pero bilang taga QC, at hindi taga Albay, isa lang ang masasabi ko.

Masuwerte ang mga taga-First District ng Albay dahil sa dami ng experience ni Grex Lagman, sa rami na ng  konek-syon niya sa pulitika ay nagdesisyon na siya na sa inyo magsilbi kung pahihintulutan ninyo sa 2013.

Email me at ariel.inton@gmail.com.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply