Pati sina Pacquiao

KAPANSIN-PANSIN na lalo pang tumindi at dumami ang political dynasty sa ilalim ng kasalukuyang Aquino administration.

Maliban sa mga tradisyonal at kilala ng mga political dynasty na gaya ng mga Durano sa Cebu, Singson at Marcos sa Ilocos, Dy sa Isabela at iba pa. Marami pang mga bagong political family ang nagsusulputan ngayon.

Pati nga rito sa Metro Manila ay biglang naglitawan ang mga political dynasty gaya ng mga Binay sa Makati, Echiverri sa Caloocan city, mga Estrada sa San Juan, Belmonte sa Quezon City at sanrekwang iba pang political family.

Sa totoo lang ang labanan sa pulitika ngayon ay isang political family laban sa mga karibal na political family.

Kung hindi naman mga political dynasty ay sumasabak na rin ngayon sa pulitika ang napakaraming mga artista na walang tanging puhunan kundi ang kanilang popularidad.

Gusto nilang mahalal kahit alam naman nila na totoong responsibilidad sa totoong buhay at hindi pelikula at pag-arte lang ang mundong papasukin nila.

Sa lahat ng nangyayaring ito ay maliwanag na repleksyon ito ng klase ng pamumuno na mayroon ang kasalukuyang administrasyon.

Sapat na kasi na makakuha ng mataas na rating sa mga survey ang mga namumuno kahit alam naman nila na wala naman talaga silang nagagawang maganda para sa bayan.

Ang masakit pa nito ay marami pang mga bagong sibol ang gusto na ring magtayo ng dinastiya nila gaya ng boxer na si Manny Pacquiao.

Maliban kasi kay Manny ay sumabak na rin ang asawa niyang si Jinkee na mukhang nagsawa sa mga mamamahalin niyang mga designer na gamit gaya ng Hermes at Louis Vuitton.

Kaya tatakbo na rin siya bilang bise gobernador naman ng Sarangani. Maliban kay Jinkee ay tatakbo rin si Rogelio Pacquiao ang bunsong kapatid ni Manny bilang congressman sa South Cotabato para labanan ang isa pang political warlord na si Rep. Pedro Acharon Jr.

May balita na babanggain din ng kapatid ni Manny na si Bobby, ang kasalukuyang mayor ng General Santos City na si Darlene Antonino.

Mukhang masama na talaga ang lagay ng bansa natin, mula sa Senado hanggang sa ka-sulok-sulukang mga lugar sa ating bansa ay wala ng mapagpipilian ang mga botante kundi ang mga paulit-ulit na mga kandidato at mga kamag-anak nila.

Ang problema , sa halip na mabawasan ay lalo pang nadadagdagan ang mga political family na ito gaya na lang ng mga Pacquiao.

Sabi nga ni Dolphy , walang masamang tumakbo, pero paano kung manalo? Ano ang gagawin nila? At sa lahat ng ito ay tila nagkikibit-balikat lang si Pangulong Noynoy.

Siyanga pala nakalimutan kong banggitin na tumatakbo rin pala sa Senado ang pinsan niya na si Bam Aquino at ang tita niya na si Tingting Cojuangco.

He-he! Ayos!

(Pahabol: Happy birthday nga pala sa ex-girlfriend ko na si Imelda na nagdiriwang ng kaarawan niya ngayong araw.)

loading...

About Girlie

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply