Paulo Avelino very sentimental person kaya magaling umarte

AFTER a year pagkatapos lumipat si Paulo Avelino sa Kapamilya network galing ng Kapuso network, nag-mature na ang aktor sa kanyang pananalita.

Pangunahing gagawin niya sa Araw ng Pasko ay ang makapiling ang kanyang pamilya. Gusto niya sa ganitong okasyon ay mga mahal niya sa buhay ang kanyang kasama.

Nasabi ni Paulo na very sentimental person siya kaya mahilig siyang kumanta. Tulad rin daw ang pag-awit niya sa pag-arte niyang ipinakikita ngayon sa soap niyang Walang Hanggan.

Nakausap namin si Paulo sa press launch ng kanyang self-titled album na ginawa sa 9th floor ng Universal tower mismo sa magarbong office ng Universal Records.

Ang first album ni Paulo ay binubuo ng anim na tracks na pawang revival songs na malapit sa kanyang puso. Iri-release sa mga music bars ang album niya pero ang big album launch ay magaganap sa SM Skydome, SM North EDSA sa Sunday afternoon kung saan siya magkakaroon ng mini concert. Siyempre, fan’s day rin niya ito na puwedeng pumirma ng autograph ang actor-singer sa mismong album na mabibili sa show. Puede rin siyang magpa-pictorial sa fans na gustong makasama siya sa souvenir photos.

Ang paboritong songs ni Paulo na madalas niyang awitin na nasa album ay ang When She Cries at You’re Love. Na-influence siya sa pagkanta ng mga awitin noong 90s. Pangarap niyang maging rock star pero hanggang panaginip lang iyon sa kanya. Ang inaawit niyang songs ay medyo ballads.

Nasabi niyang naka-influence sa kanya sa pag-awit ay si Ogie Alcasid dahil pareho sila ng manager, si Leo Dominguez. Madalas raw siyang nakakasama sa mga concert ni Ogie dahil aliw na aliw siya sa pagkanta ng songwriter/comedian. Lumalabas rin siya noon sa Party Pilipinas bago lumipat sa kabila kung saan nagkakasama sila ni Ogie.

Alam ni Paulo na gusto niyang kahit paano ay makuha ang pagkanta ni Ogie lalo na ang pagkanta nitong punung-puno ng emosyon. Gusto niyang awitin ni Ogie ay ang Bakit Ngayon Ka Lang?

000

SPEAKING of Ogie Alcasid, nasabi ni Regine Velasquez sa presscon ng Sarap Diva na mapanonood na sa Sabado bago mag-Eat Bulaga sa ganap na 10:45 ng umaga, na hindi papasok sa politics sa 2013 ang kanyang mister.

At any rate, kung gusto man ni Ogie na kumandidato o pumasok sa politics ay hindi ito pipigilan ni Regine. Bilang maybahay ay most supportive siya sa mga ambisyon ng mahal na asawa.

Para kay Regine, sa ngayon ay gusto lang ni Ogie na makatulong sa kanyng kapwa kaya active ang kanyang husband sa mga charitable works.

Ngayong Friday, muling mapanonood si Ogie sa longest running gag show sa bansa, ang Bubble Gang. Si Ogie ang comedian sa portion na Pick Up Lines.

Tampok na gag sa Biyernes ang Pharaoh. Siyempre, nakatutuwa ito sa mga eksena sa sinaunang Egypt lalo na’t isa sa mga panauhin ay si Jacky Woo, kasama sina Chariz Solomon, Mikey Bustos, at may special portion ang Japanese actor na James Wang. Mala-detective na episode na panay kapalpakan.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply