Payloader nabalaho; obrero dedo, 4 pa sugatan

TODAS ang isang construction worker habang sugatan ang apat na iba pa nang mabalaho ang sinasakyang payloader matapos mawalan ng control ang driver sa national highway sa Balligi, Maddela, Quirino.

Nasawi si Dennis Gutierrez at nakilala ang mga sugatan na sina Rolly Cabactan, Ronald Cabactan, Augusto Pascual at Mark Adorna na isinugod sa ospital.

Sa inisyal na imbestigasyon ng pulisya, nawalan ng kontrol ang driver ng payloader na si Junie Bayangan at tuluy-tuloy na nahulog sa kanal.

Dahil dito, naipit ang mga biktima na pawang manggagawa ng Flying A construction Service, na nakasakay sa naturang sasakyan.

Nasa kustodiya na ng PNP Station sa Maddela, Quirino ang driver ng sasaskyan habang tutulong sa gastusin ang construction company sa pagpapagamot ng mga biktima.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply