PCG nakaantabay na sa SoKor rocket launch

NAKAANTABAY na ngayon ang Philippine Coast Guard (PCG) sa posibleng pagbagsak ng ilang debris ng rocket ng South Korea.

Ayon kay PCG spokesperson, Lt. Commander Armand Balilo, inabisuhan na nila ang mga seafarer sa oras na may makitang debris ng rocket.

Pinayuhan naman ni Balilo ang mga mangingisda partikular sa eastern seabord ng Philippine sea na ipagpaliban ang paglalayag kaugnay sa pagbagsak ng debris ng rocket ng South Korea.

Gayunman, sinabi ng opisyal na napakalayo sa anumang bahagi ng karagatan ng bansa ang lugar na posibleng bagsakan ng mga debris ng rocket.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply