PCG personnel sumabak sa disaster preparedness training

MULING sumabak sa training ang mga personnel ng Philippine Coast Guard-Southern Tagalog District (PCG-STD) para sa disaster
preparedness.

Ang training ay upang mas maging epektibo ang kakayahan ng mga unit ng Coast Guard partikular sa disaster preparedness at iba pang pangangailangan.

Ayon kay Rear Admiral Luis Tuason Jr., officer-in-charge ng PCG, nagsagawa sila ng water search-and-rescue at rubber boat operation maintenance training sa bayan ng Bauan, Batangas.

Kaugnay nito aabot sa 100 indibidwal mula sa kanilang hanay sa Cavite; Laguna; Batangas; Mindoro; Masbate; Romblon at Palawan ang lumahok sa pagsasanay.

Kabilang din sa lumahok ang mga miyembro ng Armed Forces of the Philippines at local police units.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply