PDEA agent dedo sa boga sa Agusan del Norte

NAMATAY ang isang ahente ng Philippine Drug Enforcement Agency makaraang pagbabarilin sa Agusan del Norte, Miyerkules ng gabi (October 17).

Kinilala ng pulisya ang biktima na si PDEA Agent Loiue John “Wowie” Giberson na natagpuang patay sa loob mismo ng kanyang kotse sa Barangay Kauswagan, Cabadbaran City, Agusan del Norte dakong alas-9:00 kagabi.

Ayon kay Cabadbaran City Police Director PCInsp. Carlo Omiter may inilunsad na operasyon ang PDEA kagabi na pinangunahan ng biktima ang panghuhuli sa illegal drugs sa naturang lugar..

Sa inisyal na imbestigasyon lumabas na habang naka-convoy, naka-text pa ang biktima sa kanyang mga kasama na dumistansya at bigla na lang humiwalay ng daan.

Duda ngayon ang awtoridad na posible nabulabog ang operasyon ng PDEA at ang asset na siyang direktang contact ni Giberson ang posibleng may kinalaman sa pagpatay sa biktima.

Umabot sa limang bala ng baril ang tumama sa katawan ng biktima na siyang ikinamatay nito.

Ang bangkay ng biktima ay dinala sa Bollozos Funeral Home ngayong umaga sa Butuan City para isailalim sa awtopsiya.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply