PDEA ex-chief no show sa turn-over ceremony

MISMONG si dating Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Chief Jose Gutierrez ang humiling na huwag nang humarap sa turn-over ceremony ng ahensiya para sa pormal na pag-upo ng bagong PDEA chief na si retired Gen. Arturo Cacdac.

Sa panayam kay Cacdac kaninang umaga (Oktubre 19) , sinabi nito na nagkausap na sila ng kanyang predecessor sa telepono at pinakiusapan aniya siya ni Gutierrez na kung maaari’y huwag ng magkaroon ng malaking seremonya sa paglilipat ng liderato sa PDEA.

Bilang tugon, ikinasa na lamang na  simple at ‘di magarbo ang pormal na pag-upo ni Cacdac at ginawa sa pamamagitan ng pagbasa sa panunumpa nito.

Nagkasama sa trabaho sina Cacdac at Gutierrez noong sila’y kapwa aktibo pa sa PNP service.

Naging deputy ni Gutierrez si Cacdac noong ito’y nasa PNP Region 3 pa bilang hepe ng intel group sa rehiyon.

Nagsilbi namang intel officer si Cacdac noong si Gutierrez ay hepe ng Pampanga Police Provincial Command.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply