PDEA: Mag-ingat sa brownies na may halong marijuana

BINALAAN ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang publiko na mag-ingat sa mga inilalakong home-made brownies na panregalo na nagkalat ngayon sa mga bangketa dahil hinahaluan ng marijuana ang karamihan sa mga ito.

Ayon kay PDEA Director General Undersecretary Jose S. Gutierrez Jr., nakatanggap sila ng impormasyon galing sa isang nurse mula sa provincial hospital ng San Marcelino, Zambales.

Ayon sa nurse may nagregalo sa kanya ng tatlong box ng baked brownies sa isang chef na ipinakain niya rin sa kanyang mga kasamahan sa ospital ngunit nang araw ding iyon ay 17 empleyado aniya ng ospital ang nakaramdam ng pagkahilo pagkatapos kainin ang brownies  .

Ginamot ang mga biktima at sinuri rin ang brownies at lumabas sa eksaminasyon na may halong marijuana ang nasabing pagkain.

Ayon kay Gutierrez, masama sa kalusugan ang pagkain ng mga pagkaing hinaluan ng marijuana dahil nakaka-adik ito na maaaring humantong pa sa isang tao na maghanap pa ng mas malalakas na droga.

Dahil dito, binalaan ng PDEA ang publiko na huwag tanggapin ang mga pagkain na nakalagay sa mga box sa hindi mga kilalang tao dahil maaring may halong iligal na droga ang mga ito.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply