Peace caravan sa Mindanao umarangkada na

UMARANGKADA na ang Nationwide Peace Caravan sa Mindanao bilang paghahanda sa paglalagda ng framework agreement bukas, Lunes, October 15.

Ang caravan ay lalahukan ng ibat ibang lungsod sa Mindanao na patungo ang mga ito sa Malakanyang bago ang paglalagda ng framework agreement sa pagitan ng pamahalaan at Moro Islamic Liberation Front (MILF).

Pinamunuan ng mga peace advocate na mga Muslim, Lumad at mga Kristiyano ang caravan para isulong ang kapayapaan.

Ayon kay Lakbay Kalinaw Coordinator Pendatun Disimban, isang peace concert ang isasagawa ngayong araw at mananatili sila roon hangga’t hindi nalalagdaan ang kasunduan.

Ang mahabang paglalakbay ay pagpapakita ng mahabang panahon ng pag-aasam ng pangmatagalang kapayapaan sa Mindanao.

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply