Peace pact inihihirit ng Bayan Muna kay PNoy para sa NDF, CPP-NPA

HINILING ng isang militanteng grupo kay Pangulong Noynoy Aquino na bumuo na rin ng kasunduan para sa mga komunistang rebelde upang maisulong na rin ang ganap na kapayapaan.

Ayon kay dating Bayan Muna partylist Rep. Satur Ocampo, dapat ng bumalik ang gobyerno, National Democratic Front (NDF) at Communist Party of the Philippines-New People’s Army (CPP-NPA) sa negotiating
table.

Ang negosasyon ay upang lalong maintindihan ng pamahalaan ang ugat sa pag-rerebelde ng mga komunistang grupo.

Ang framework agreement  na nilagdaan ng government peace panel at Moro Islamic Liberation Front (MILF) ay dapat maging hudyat ng pagbabalik ng NDF sa peace negotiations

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply