Peace Process sa Mindanao, tinututukan ng US Embassy

TACURONG CITY, Sultan Kudarat – Tinututukan ng US Embassy ang usaping pangkapayapaan sa Mindanao.

Ito ang sinabi ni US Embassy assistant information officer Cynthia Cook nang makapanayam ito.

Ayon kay Cook, patuloy nilang sinusuportahan ang hakbang ng gubyerno at MILF tungo sa kapayapaan sa Mindanao.

Dagdag pa niya, handa silang magbigay ng anumang tulong upang lubos na magtagumpay ang peace agreements sa pagitan ng dalawang panig.

Umaasa ang US embassy na mabibisita nila ang Autonomous Region in Muslim Mindanao o ARMM at karatig lalawigan upang makita mismo ang pangangailangan ng mga residente dito.

Pinasalamatan din ni Cook ang suporta ng iba’t-ibang sektor upang malagdaan ang framework peace agreement na unang hakbang para sa kapayapaan sa isla.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply