Pedicab driver kulong sa boga

KULONG ang isang pedicab driver matapos mahulihan ng baril habang paikot-ikot sa kanilang lugar sa Caloocan City kagabi, Oktubre 20.

Nahaharap sa kasong illegal possession of firearm si Eduardo Sibug, 40, ng J. Bautista st., ng lungsod.

Batay sa ulat, dakong alas-9 ng gabi, may tumawag sa mga pulis na paikot-ikot ang suspek sa kanilang lugar habang sukbit ang baril.

Nang respondehan ay hindi na nakapalag ang suspek at nang kapkapan ay nakuha ang kalibre .38 na walang papeles.

Inaalam na ng mga pulis kung bakit paikot-ikot ang biktima habang may dalang baril.

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply