Pedicab driver kulong sa pangmomolestiya ng nene

SWAK sa kulungan ang isang pedicab driver matapos madaanan ng mga barangay tanod na minomolestiya ang isang 14-anyos na batang babae sa loob ng pinapasadang pedicab sa Malabon City, kaninang madaling araw.

Nakilala ang suspek na si Danilo Dela Cruz, 38 ng Sabalo St., Caloocan City.

Sa ulat, dakong ala-1 ng madaling araw, nadaanan ng mga barangay tanod ang pedicab ng suspek sa Lascano St., Tugatog ng lungsod at nagulat nang makitang minomolestiya ng suspek ang biktima.

Hindi na nakatakbo ang suspek nang dambahin ng mga tanod at binitbit patungo sa presinto.

Sa pahayag naman ng suspek, nasa pilahan siya ng pedicab nang lapitan ng biktima at sinabing kailangan ng pera.

Binigyan ng P100 ng suspek ang biktima at pumayag na magpagamit sa pedicab subalit nadaanan ng mga nagrorondang tanod.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply