Pedrito dolls ilulunsad ng simbahan

UPANG mas higit na mapalapit ang mga kabataan sa pagkilala kay San Pedro Calungsod bilang pangalawang santo ng Pilipinas ay nakaisip naman ng gimik ang Simabahan sa paglulunsad ng “Pedrito” dolls

Ayon kay Ms. Eileen Esteban, namumuno ng nasabing grupo na sa panahon ngayon ay aktibo ang mga kabataan sa social media kaya naman sa pamamgitan ng Pedrito dolls ay umaasa silang mapalapit ang mga kabataan sa pangalawang bagong santo.

Sinabi ni Esteban na umaasa silang sa pamamagitan ng Pedrito dolls ay mabibigyan ng inspirasyon ang mga kabataan at mangangarap na balang araw ay mahirang sila bilang isang santo sa halip na maging superhero.

Ipinaliwanag ni Esteban na ang mga superheroes ay pawang kathang isip lamang at makikita lamang sa mga komiks, habang ang lahat naman ay maaaring mabigyan ng pagkakataon na maging santo.

Kaugnay nito, ipinagmalaki ni Esteban na ngayon pa lamang ay marami na silang natatanggap na mga tanong hinggil sa impormasyon at kung paano sila maaaring maka-order ng Pedrito doll.

Gayunman, nilinaw ni Esteban na ang Pedrito dolls ay hindi dapat na ituring bilang religious image na maaaring ilagay sa mga altar.

Para sa mga katanungan kaugnay sa Pedrito dolls, mangyaring buksan lamang ang official page na www.facebook.com/FilipinoSaintPedroCalungsod.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply