Petisyon sa impeachment ni ex-CJ Corona, ibinasura ng SC

TULUYAN nang ibinasura ng Korte Suprema ang lahat ng nakabinbing petisyon na may kaugnayan sa impeachment case ni dating Chief Justice Renato Corona.

Sa tatlong pahinang resolusyon ng Supreme Court (SC) en banc, napagpasyahan ng mga mahistrado na ideklarang sarado na ang usaping ito, lalo’t nakaupo na ang bagong Chief Justice na si Ma. Lourdes Sereno at wala na rin naman sa pwesto ang dating punong mahistrado.

Kabilang sa mga kinikwestyon ng kampo ni Corona ay ang legalidad ng 188 lagda ng mga kongresistang nagsulong ng kaniyang impeachment, gayong wala namang pagkakataon ang mga ito na mabasa ang nasabing reklamo sa loob ng dalawang oras lamang.

Maliban sa mga abogado ng impeached chief justice, naghain din ng kanilang magkakahiwalay na petisyon sina Danilo Lihaylihay, Atty. Vladimir Cabigao, Atty. Vicente Millora, Atty. Oliver Lozano ng Lawyers League for a Better Phiippines, Rev. Bernardo Magno, dating Assemblyman Homobono Adaza, Atty. Allan Paguia, Herman Laurel at Rodolfo Salandanan.

Sa ngayon ay itinuturing na ng korte bilang moot and academic ang mga pagkuwestiyon sa proseso ng Senate Impeachment Court.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply