Petisyon vs Akbayan sa party-list elections, inihain ng KMU

NAGSAMPA ng petisyon ang Kilusang Mayo Uno o KMU sa Commission on Elections o Comelec noong Martes upang ipa-diskwalipika ang grupong Akbayan sa party list elections sa susunod na taon.

Ayon sa KMU, kumportableng nakaluklok ang Akbayan sa gubyernong Benigno Aquino kung kaya hindi na ito dapat ituring na marhinalisado.

Bilang patunay, ayon sa mga manggagawa, napakarami nang taga-Akbayan ang nasa Gabinete ng gubyernong Aquino tulad ni Commission on Human Rights chairperson Loretta Ann Rosales, political affairs adviser secretary Ronald Llamas, National Anti-Poverty Commission chairperson Joel Rocamora, National Youth commissioner Percival Cendena, at Undersecretary for Political Affairs Ibarra Gutierrez.

Dagdag ng KMU, hindi makatwiran na napaka-istrikto ng Comelec sa ibang mga grupong gustong kumandidato sa party list elections samantalang hindi naman nila nakikita ang maaring –paglabag sa batas ng Akbayan.

Bukod sa KMU, nagsampa rin ng petisyon para sa diskwalipikasyon ng Akbayan ang mga grupong pang-kabataan na Anakbayan, League of Filipino Students, Student Christian Movement, Kabataang Artista para sa Tunay na Kalayaan, at National Union of Students of the Philippines.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply