Petisyon vs Cybercrime Law, patong-patong na

PATULOY na nadaragdagan ang mga petisyon kontra sa Cybercrime Law na nagsimula nang magkabisa sa araw na ito.

Ang ika-walong petisyon kontra sa nasabing batas ay inihain sa Supreme Court ni Atty. Melencio Sta. Maria at ng mga miyembro ng Ateneo Human Rights Center.

Sa 37-pahinang petisyon, hiniling nila sa Korte Suprema na magpalabas ng temporary restraining order para pigilin ang pagpapatupad nito.

Pinangalanan namang respondent sa petisyon sina Executive Secretary Pacquito Ochoa, Justice Secretary Leila De Lima, Interior and Local Government Secretary Manuel Roxas, National Bureau of Investigation at Philippine National Police.

Nagsampa din ng petisyon kontra sa Cbercrime Law ang National Union of Journalists of the Philippines.

Magugunita na ipinagpaliban kahapon ng Supreme Court En banc ang pagdedesisyun kung pagbibigyan ang hirit ng mga petitioner na mapigilan ang pagpapatupad ng Cybercrime law.

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply