PG2 Sabado Balukol sa Bilibid at sugal sa Cavite

GUTOM NA ASKAL!

‘Yan, parekoy, ang paglalarawan kay PG2 Sabado ng napakaraming bilanggo sa Maximum Security Camp sa Bilibid!

Ayon sa mga ipinaabot na sumbong sa atin, matindi talaga ang pagiging “balukol” ng demonyong guwardyang ito, akala mo ay asong gala na hindi pinalalamon!

Hindi lang mga preso, parekoy, pati ang kanilang mga dalaw ay hindi pinaliligtas nitong masiba na empleyado!

Ang masakit, ipinangangalandakan pa nitong animal na PG2 Sabado na kahit ano ang kanyang gawin ay hindi siya kayang sibakin.

Dahil “bata” raw siya ng hepe ng Maximum na si Supt. Ramon Reyes.

Ayon sa mga nagrereklamong preso, alam nila na hindi totoong “bata” nga ni Super
Reyes itong si PG2 Sabado.

Ayon sa kanila, halata namang hindi lang gutom ang nabanggit na empleyado, mayabang pa ang hinayupak!

Kaya nga nakikiusap ang mga bilanggo sa Maximum na kung maaari ay itapon si PG2 Sabado mula sa Maximum.

Kung hindi papunta sa “gola” ay mas maganda kung sa alinmang “kolonya.”

Payo ko sa iyo “askal” na Sabado, pag nasa kolonya ka na ay medyo baguhin mo na ‘yang istayl mong lintek ka.

Dahil kung hindi ay baka hindi ka abutan doon ng Bi-yernes! Hak, hak, hak!

-o0o-

MATINDI ang galit sa akin ng anak ni Rosario, Cavite Mayor Nonong Ricafrente dahil sa mga ginawa nating pagbubulgar sa kanilang iligal na sugal.

Ang jueteng at poker, parekoy, ay lantarang nilalaro ngayon sa Rosario, Cavite.

At kaya wala silang pinangingilagan dahil may lingguhang parating umano sa pulis.

Ang jueteng nila, parekoy, ay dating binobola sa likod mismo ng palengke, ngunit inilipat sa Ligtong at muling inilipat  sa likuran mismo ng Brgy. Hall ng Brgy. Bagbag-1.

Si Rudy Marikina ang “Ricafrente”, este, nakaprente samantalang ang sa “poker” ay si Amboy Buhain.

Mayor Ricafrente, pakipayuhan ‘yang anak mong galit na galit sa akin…baka galit-kupal lang ‘yan! He, he, he!

Kung gusto niyang manahimik ako ay ipatigil ninyo ‘yang iligal na sugal sa Rosario.

Huwag n’yo nang hintayin ang mga pulis ni RD!!!

loading...

About Girlie

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply