PHIBLEX – dagdag kapabilidad sa dalawang hukbo

KATATAPOS kamakailan lamang ng taunang PHIBLEX o yung Amphibious Landing Exercise sa pagitan ng mga Marines na Pinoy at Kano. Noong Oktubre 18, 2012 idinaos ang kanilang pagsasara na nagsimula noong Oktubre 8. Sa mga nakalipas na taon ay sa iba’t ibang lugar sa Luzon idinaos ang mga aktibidad na bahagi ng pagsasanay.

Ayon sa mga nakilahok, naging matagumpay ang pagsasanay dahil naging mabigat ito sa humanitarian assistance at disaster response. Ang PHIBLEX ay bukod tangi dahil isa itong combined exercise para sa mga Marines ng Pilipinas at Amerika at ngayong taon ang ika-29 na serye nila. Layunin ng exercise na mapa-buti ang kapabilidad ng dalawang pwersa na makapag-operate nang pinagsanib sa harap ng anomang sitwasyon.

Sa ganitong larangan, makikita sa kabuuan na pinagtuunan ng pansin ang mga aktibidad na naka-”focus” sa humanitarian assistance at disaster response. Napaka-importante ito dahil alam naman natin na ang mga sakuna, partikular yaong mula sa karagatan tulad ng bagyo, tsunami at lindol, ay ang pinaka-mapanganib na banta ‘di lang sa ating bansa kundi sa iba pa.

Sa mga ganitong pagsasanay nakabubuo at nakapagpapaigi pa ng mga doktrina sa operations ang mga pinagsanib na pwersa na siyang magagamit nila sa pagdating ng mga tunay na pagkakataon. Kaya’t pagsapit ng anomang sakuna ay handang-handa na ang dalawang puwersa upang magresponde sa anomang sakuna.

Dahil dito, kahit saanmang lugar ng Pilipinas isagawa ang mga ganitong pinagsanib na pagsasanay (kalian man at kahit anopamang aktibidad na bumubo sa mga exercises) dalawa ang pinakamahalagang benepisyong nakakamit ng mga kalahok – ang interoperability o iyong abilidad na mag-operate nang sabay at maayos, at iyong readiness o ang kahandaan na mag-responde o humarap sa anomang sitwasyon saanman o kalianman.

—ooo—

Isang malugod na pagbati at belated Happy Birthday kay Rear Admiral Robert E. Balanon Jr. na nagdaos ng kanyang kaarawan at pagretiro sa serbisyo noong Oktubre 10, 2012. Kasabay nito ang pagsalin niya ng tungkulin bilang Commander ng Naval Sea Systems Command sa Cavite kay Commodore Roberto V. Santos. Nagsilbi sa AFP si Rear Admiral Balanon sa loob ng 37 taon. Good Luck, sir!

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply