Phil. flag sa Davao City Hall ibinaba; call center agent inaresto

DINAKMA ng awtoridad ang isang call center agent nang maaktuhan itong ibinaba ang Philippine flag sa Davao City Hall Biyernes ng madaling araw (Oktubre 19).

Mangiyak-ngiyak nang dalhin sa San Pedro Police Station si Markxell Inabiogan, 23-anyos dahil hindi niya akalain na ang kanyang ginagawa ay labag sa batas.

Nahuli si Inabiogan ng mga security guard sa naturang city hall habang ibinababa ang watwat mula sa itaaas ng flagpole dakong alas-12:30 ng madaling araw.

Sa parte naman ni Inabiogan, sinabi nitong hindi naman niya nais nakawin ang naturang watawat at idinepensa na ayaw lamang niyang mabasa ito ng ulan.

Sa parte naman ng mga security staff, hinuli nila si Inabiogan dahil ayaw naman nilang paglaruan lamang nito o hindi respetuhin ang watawat o palitan din ito ng iba pang bagay.

Sinabi naman ni Retired Police Manuel Anahaw, team leader ng Davao City Hall security na hindi awtorisado si Inabiogan na ibaba ang watawat sa flagpole. Ang flag retreat, aniya ay ikinakasa lamang tuwing Biyernes ng hapon.

Nahaharap na sa kasong theft si Inabiogan at posibleng madagdagan ng iba pang bayolasyon na kanyang ginagawa hinggil sa pagtrato sa watawat ng Pilipinas.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply