PhilHealth: 13 ospital tatanggap ng may prostate cancer

MAY13 pagamutan sa bansa ang sumusuporta sa Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) sa layunin nitong mailapit sa publiko ang lunas sa prostate cancer at kasalukuyang nag-aalok ng P100,000 package rate para sa mga pasyente ng naturang sakit.

Nabatid na kabilang sa mga nasabing pagamutan ay ang: National Kidney and Transplant Institute at Quirino Memorial Medical Center sa Quezon City; Philippine General Hospital sa Maynila; Rizal Medical Center sa Pasig City; Ilocos Training and Regional Medical Center sa San Fernando City; at Cagayan Valley Medical Center sa Tuguegarao City.

Lumagda rin sa kasunduan ang Dr. Paulino J. Garcia Memorial Research and Medical Center sa Cabanatuan City; Batangas Regional Hospital sa Batangas City; Bicol Medical Center sa Naga City; Western Visayas Medical Center sa Iloilo City; Northern Mindanao Medical Center sa Cagayan de Oro City; Southern Philippines Medical Center sa Davao City; at Davao Regional Hospital sa Tagum City.

Ayon kay PhilHealth President Dr. Eduardo Banzon, nakikipag-ugnayan na rin sila sa iba pang pampubliko at pribadong ospital sa bansa para lumagda rin sa kaparehong kontrata.

Nabatid na sa ilalim ng P100,000-benefit payment package, sasakupin nito ang buong bayad sa treatment, hospitalization at professional fees ng mga prostate cancer patients na nasa kategorya ng “low to intermediate-risk”.

Lumilitaw sa datos ng Department of Health (DOH) na ang prostate cancer ang isa sa karaniwang cancer na bumibiktima sa mga kalalakihan sa bansa ikalawa sa lung cancer.

Ito’y nade-develop sa mga lalaking nasa edad 50 at mga may family history ng cancer.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply