Phl-Aussie Joint Naval Training Exercises, nagsimula na

NAGSIMULA na ngayong araw ang Joint Naval Training Exercises ng Pilipinas at Australia.

Aabot sa 300 navy personnel mula sa bansa at Australia ang lalahok sa 12th Annual Maritime Training Activity kaugnay sa training exercise.

Layon ng naval exercises na lalong palakasin ng dalawang bansa ang kanilang kakayahan pagdating sa anti-terrorism, human at drug trafficking at disaster response.

Samantala, kinumpirma  ni Presidential Communications Operations Office Sec. Sonny Coloma na isa ang Australia sa pinag-aaralan ngayon ng pamahalaan na maging pangatlong strategic partner ng Pilipinas, matapos ang Amerika at Japan.

Nabatid na isa sa mga paksa na pag-uusapan sa pakikipagpulong ni Pangulong Benigno Aquino kay Australian Prime Minister Julia Gillard ang implementasyon ng Visiting Forces Agreement (VFA).

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply