PHL nangunguna sa pagtataguyod ng gender equality sa Asya

NANGUNGUNA ang Pilipinas sa mga bansa sa buong Asya na nagtataguyod sa pantay na karapatan sa mga kababaihan at kalalakihan o gender equality.

Base report na inilabas ng World Economic Forum, nakuha ng Pilipinas ang ika-8 pwesto sa Global Gender Gap Index 2012.

Ayon sa ulat, tanging ang Pilipinas lamang sa Asya na natigil ang gender gap sa edukasyon at health care sa bansa.

Nanguna sa listahan ay ang Iceland, Finland, Norway, Sweden at Ireland.

Ilan naman sa mga bansa sa Southeast Asia ay ang Singapore na nasa 55th place, Thailand 65th place, Indonesia 97th place at Malaysia sa ika-100 puwesto.

Habang nasa 22nd place ang Amerika, 69th place ang China at pang 101 puwesto naman ang Japan.

Nasa hanay na pang huli ang Saudi Arabia sa 131st place at Yemen na nasa 135th place.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply