Piloto nahulog sa 29th/flr ng hotel todas

ISANG commercial pilot ang namatay makarang mahulog mula sa ika-29 palapag  ng isang hotel sa Muntinlupa City kaninang madaling-araw.

Ayon kay Muntinlupa City police head Senior Superintendent Conrad Capa sa panayam sa radyo, walang nakitang suicide note sa nasawi na si Anton Miguel Osmeña , 30, makaraang mahulog mula sa ika-29 palapag  ng Vivere Suites Hotel sa Alabang, Muntinlupa.

Ayon pa kay Capa, alas-4:00 ng madaling-araw nang mag-isang nag-check-in sa hotel si Osmeña.

Sinasabing tumalon ito mula sa veranda ng kanyang inuupahang kuwarto at bumagsak naman sa ikaapat na palapag.

Ang naturang hotel ay siya ring lugar kung saan nahulog at namatay ang apo ni dating vice president  Teofisto Guingona, Jr. noong Oktubre  2011 na si Marc Guingona Lamb, 20, mula sa ika-31 palapag.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply