Pinakamahihirap na pamilya, target ng pinalabnaw na RH bill

PINUPUNTIRYA na lamang ng inilabas na amendments ng RH bill ang mga sector na kabilang sa poorest of the poor.

Sa huling bersyon na inaprubahan ng mga pro at anti RH bill, prayoridad na ang family health care services ng modernong paraan ng pagpaplano ng pamilya para lamang sa mga pinakamahihirap na gustong limitahan ang bilang ng mga anak ngunit walang kakayahan dahil sa kamahalan nito.

Magmumula ang mga benepisaryo nito sa pamamagitan ng national household targeting system for poverty reduction.

Kailangang pantay na isulong at pondohan ng gobyerno ang natural at modernong pamamaraan ng family planning na garantisadong ligtas sa publiko.

Obligado ring maglaan ng mga kinakailangan at ligtas na family planning methods ang mga ospital maliban sa specialty hospital at mga pag-aari ng religious groups.

Upang maiwasang maiugnay ito sa korapsyon ay pagbabawalan ang mga pharmaceutical companies na makipag-ugnayan at mag-donate sa mga pulitiko.

Tuloy naman ang sex education na uumpisahan sa grade 6 na may opsiyon naman ang mga magulang na huwag ipasailalim dito ang kanilang menor de edad na anak

Kaugnay nito, nakalatag na sa mababang kapulungan ng kongreso ang bagong bersyon ng Reproductive Health (RH) Bill.

Ang bagong bersyon ng RH Bill ay naglalaman ng mga amyenda nainaasahang magiging katanggap tanggap na sa lahat.

Ayon kay Congressman. Edcel Lagman, inayos na nila sa ipapalit na bill ang mga reklamo ng mga kumukontra sa RH Bill at resulta rin ng mga isinagawa nilang konsultasyon.

Gayunman, sinabi ni Lagman na bagamat may mga binago sa RH Bill, hindi pa rin nawawala ang pangunahing layunin ng panukalang batas na matugunan ang paglobo ng papulasyon at mapangalagaan ang kalusugan ng mga ina at anak.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply