Pinal na listahan ng partylists sa Nobyembre mailalabas

INIHAYAG ng Commission on Elections (Comelec) na posibleng sa Nobyembre na nila mailabas ang pinal at kumpletong listahan ng mga partylist group na papayagan nilang lumahok sa midterm elections sa May 13, 2013.

Ayon kay Comelec Chairman Sixto Brillantes Jr., sa halip na sa katapusan ng Oktubre ay posibleng mailabas nila ang naturang listahan sa Nobyembre 15.

Ipinaliwanag ni Brillantes na sa dami ng nag-aplay na partylist groups ay hindi nila kaagad natapos ang pag-aaral kung alin-aling grupo ang papayagang tumakbo sa eleksiyon.

Sinabi ng poll chief na nais kasi nilang matiyak na tama ang kanilang desisyon kaya’t binubusisi nila ng husto ang mga isinumiteng dokumento ng bawat grupo.

Dagdag pa ni Brillantes na hindi na rin muna sila mag-aanunsiyo pa ng mga diniskuwalipikang partylist groups hanggang sa Nobyembre 15 upang hindi na rin umano kakaba-kaba pa ang mga ito.

May 30 grupo na ang naalis sa listahan at inaasahang madaragdagan pa ito sa mga susunod na araw.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply