Pinay bibitayin sa Malaysia

ISANG Pinay ang nakatakdang bitayin sa Malysia dahil sa kaso ng drug trafficking.

Kinilala ng Department of Foreign Affairs ang Pinay na si Marivelle Gonzales, 31-anyos.

Nahatulan ng kamatayan si Gonzales ng Shah Alam High Court matapos maaktuhang may bitbit na bag at makuhanan ng isang kilo ng heroin.

May dalawang taon nang nakakulong si Gonzales at nakatakdang bibitayin.

Base sa pahayag ng Pinay sa korte, isang lalaki ang nag-alok sa kanya na dalhin ang naturang bagahe na naglalaman ng heroin kapalit ng halagang $1,000 cash, work permit at karagdagang $250 para sa kanyang gastusin habang ibinabiyahe ang naturang bag.

Kaugnay nito, pinatututukan na ng DFA sa embahada ng Pilipinas sa Kuala Lumpur ang kaso ni Gonzales sa posibilidad na maiapela ang kanyang kaso.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply