Pinoy rocker sa Amerika, nagbalik sa Pinas para gumawa ng makabagong OPM song

TUBONG Estados Unidos ang dugong Pinoy na si Hec Encarnacion, na ang hilig ay lumikha ng mga musikang Pinoy noon palang dekada 80.

Kaya naman taong 2005, ay hindi na nagpapigil ang beteranong rakista na mag-release ng kanyang self produce album dito sa Pilipinas na nag iwan ng mga hit song na “Musta na ba at Simulan sa ngiti.”

Ngunit kinailangang bumalik sa US ni Hec para tapusin ang kanyang pag-aaral at ngayong 2012 ay nakabalik na ang singer composer at handa na ulit sumabak sa industriya ng musika bitbit ang mas pinalupit na self produce album na “Hanggang sa Panaginip” na title rin ng carrier single din nito.

Sa kanyang pagbabalik ay umaasa ang makabayang rakista na mabubuhay niya ang dugo ng kapwa niya manunulat ng OPM song na lumikha pa ng mga kantang Pinoy na magiging inspirasyon ng ating mga kababayan.

Isang malaking TV station na rin ang nag-offer kay Hec Encarnacion para gamitin ang kanyang kantang “Hanggang sa Panaginip” para sa isang teleserye.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply