Pinoy woodpushers tameme sa Indonesia

NATSOPE ang walong Pinoy woodpushers na lumahok sa katatapos na Indonesian Open Chess Championship (IOCC) 2012 na ginanap sa Puri Ratna Convention Hall, Level 2, Grand Sahid Jaya Hotel sa Jakarta, Indonesia.

Sa unang dalawang rounds ay kumikikig pa ang Pinoy chessers ng maka-perfect two points sina GM Richard Bitoon at IM Oliver Dimakiling subalit pagkatapos ng round three ay wala na kahit isang Filipino na nasa top 15.

Lumala pa ito pagsapit ng round seven dahil kahit sa top 20 ay hindi na sila nakalusot.

Nagkaroon ng tsansa si Haridas Pascua na makasampa sa top 10 at makakuha ng GM norm matapos talunin ang kababayang si GM Mark Paragua.

May total 5.5 points si Pascua papasok ng ninth at final round kung saan ay kasalo siya sa sixth to 18th places subalit nabigo ito sa kanyang huling laro laban kay GM Dmitry Bocharov ng Russia kahapon.

Si GM John Paul Gomez ang mataas sa puwestuhan ng mga Pinoy matapos ang nasabing event.

Tumapos si Gomez ng 5.5 points kapareho nina Pascua, Bitoon at GM Oliver Barbosa.

Nasa 17th place si Gomez, pang 21st si Pascua habang 25th at 28th places sina Barbosa at Bitoon.

Lumanding sa 39th puwesto si Paragua na may nalikom na 5.0 pts. Nasa pang-45 at 50 puwesto sina Dimakiling at Asia’s first grandmaster Eugene Torre na may tig 4.5 puntos.

Pang 90 naman ang batang si Paulo Bersamina na tumapos ng 3 points.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply