PISTON sumugod sa LTO

NAGLUNSAD ng kilos protesta ngayon umaga ang transport group na Pagkakaisa ng mga Samahan ng Tsuper at Opereytor Nationwide (PISTON) sa harap ng Lnd Transportation Office (LTO), para hilingin na igalang at ipatupad sa buong bansa ang ‘Desisyon at Permanent Injunction Order ng Baguio RTC laban sa  LTO-DOTC Dept Order No. 2008-39’.

Nauna nang ibinasura ng Baguio RTC ang D.O. 2008-39 noong May 2, 2012 bilang Unconstitutional at bilang Excessive Traffic Fines and Penalties for Revenue-Gneration ng Gobyerno at kaugnay nito, binabaan ito ng Baguio RTC 5 sa pamumuno ni Judge Antonio M. Esteves ng Permanent Injunction Order at inatasan ang LTO, DOTC at mga deputado nito na itigil ang pagpapatupad nang Dept Order 2008-39. Noong September 10, 2012 ay ibinasura din ng Naguio RTC ang Motion for Reconsideration na isinampa ng LTO-DOTC na siyang nagpinal sa pagpapatupad sa utos ng Baguio RTC.

Sa naturang kilos-protesta, ipinahayag din ang PISTON ng kanilag reserbasyon kontra sa Malaking Money-Making Scheme sa likod ng binabalak na Motor Vehicle Standardization Program ng LTO na pinaplanong ipatupad simula sa Enero 2013.

Bandang 9:00 ng umaga nang magtipon ang mga miyembro ng PISTON sa kanto ng EDSA at Kamias Road at pagsapit ng 10:30 ay nagmartsa patungong LTO Central Office sa East Avenue, Quezon City upang isagawa ang kanilang martsa-picket rally program.

Binigyang-diin ni George San Mateo, National President ng PISTON, na dapat respetuhin ng LTO-DOTC ang batas. Kaugnay nito dapat kagyat na ipatupad ng LTO sa buong bansa ang desisyon at utos ng Korte.

Iginiit din ni San Mateo na  ”dapat itigil ng LTO-DOTC at ng mga ahensiya nito sa mga rehiyon, prubinsya at mga syudad ang pagpapakalat ng maling ligal na interpretasyon (o palusot?)  sa utos ng Baguio RTC gaya nang hindi pa daw obligado ang LTO-DOTC na ipatupad ang desisyon at utos ng Baguio RTC dahil kesyo wala pa daw pinal na utos ang Court of Appeals o Supreme Court at kesyo sa Baguio City lang umano ang bisa ng Baguio RTC Decision at Permanent Injunction.”

Binigyang-diin ni San Mateo na ”Final and Executory ang desisyon at utos ng Baguio RTC at dapat itong galangin at ipatupad ng LTO kahit mag-apila o mag-aapila pa ang LTO sa Court of Appeals at Supreme Court. Hangga’t walang ibinababang Temporary Restraining Order (TRO) ang Court of Appeals at Supreme Court ay dapat galaling at ipatupad ng LTO ang utos ng Baguio RTC.”

Nagbabala si San Mateo na kapag patuloy na suwayin ng LTO-DOTC ang utos ng Baguio RTC ay magsasampa ito ng kasong Indirect Contempt dahil sa patuloy na hindi paggalang at hindi pagpapatupad sa isang Lawful Court Order.

Ayon pa kay San Mateo, paghahandaan din nila muli ang pagkakasa ng mas malawak na pambansang koordinadong kilos-protesta kapag patuloy na hindi igalang ng LTO-DOTC ang batas at ang utos ng Baguio  RTC.

Samantala, nagpahayag din ang PISTON ng reserbasyon sa ikinakasa ng LTO na Motor Vehicle Plate Standardization Plan na binabalak ipatupad ng LTO sa buong bansa simula Enero, 2013.

Ayon kay San Mateo, ”malaking dagdag-pahirap at dagdag-gastusin na naman sa mga public transport operators at pribadong motorista ang naturang plano. Aniya, batbat na nga ng problema ang transport sector at mamamayan dahil sa taas ng presyo ng langis, spare parts at mga matataas na multa, buwis at bayarin na ipinapataw ng gobyerno, pero eto panibagong dagdag-gastos na naman itong Motor Vehicle Plate Standardization.”

”Una, bakit kelagang magbayad ulit ang mga public transport operators at pribadong motorista ng P450 para sa panibagong plaka gayong nabayaran na nila dati yan nung una nilang inerehistro sa LTO ang kanilang mga sasakyan. Tapos kada Limang Taon magpapalit agad ng Plaka at siyempre panibagong bayad na naman sa panibagong plaka? Sobra at garapalang Money-Making Scheme naman yan. Halatang-halata na Revenue-Generation ang layunin diyan ng gobyerno na dapat doon nila idulog sa Kongreso at hindi sa pamamagitan ng pagpapataw ng mga panibagong dagdag na bayarin at multa,” paggigiit pa ni San Mateo.

Sinabi pa ni San Mateo na hihilingin nila sa Kongreso na magkaroon ng public inquiry kaugnay sa Motor Vehicle Standardization Plan ng LTO.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply