Plebisito sa Bangsamoro ng MILF, ipatupad – Obispo

DAPAT umanong may plebisito ang lahat ng mapagkakasunduan ng pamahalaan at ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) at naaayon sa Saligang Batas upang matuloy na ang pagkakaroon ng kapayapaan sa naturang rehiyon.

Ang pahayag ay ginawa ni Isabela Bishop Martin Jumoad kaugnay ng katatapos na 32nd GRP-MILF peace negotiation sa Kuala Lumpur, Malaysia kung saan napagkasunduan na ang Bangsamoro Region na, ang papalit sa Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM).

Ayon kay Jumoad, isang “welcome news” para sa lahat ang hakbangin para sa kapayapaan sa bansa lalong lalo na sa Mindanao.

Gayunman, aniya, dapat lahat ng transaksyon sa taas gaya ng resulta ng GRP at MILF ay may konsultasyon din mula sa mamamayan, sa pamamagitan ng plebisito upang ang mayorya ng mga ito ang magdesisyon para sa kanilang kapakanan.

Idinagdag pa ng Obispo na kailangang ang lahat ng mapakakasunduan ay naaayon din sa Konstitusyon upang wala ng kuwestiyon dito.

“It is always a welcome news when it comes to giving peace to Mindanao, but my point will always be that the basis of the agreement will always be the Constitution of the Republic of the Philippines, and any agreement should be submitted to the people for plebiscite in order that the people will decide, ito ang posisyon natin sa isyu na ito,” ayon kay Jumoad, sa panayam ng church-run Radyo Veritas.

Kaugnay nito, inihayag ng obispo na kailangang irespeto ang relihiyon sa anumang kasunduan sa pagitan ng gobyerno at ng MILF kaugnay ng framework agreement ng GRP at MILF na papalitan na ng Bangsamoro ang ARMM.

Dagdag ng obispo, kailangan din sa napagkakasunduan ang pagrespeto sa kalayaan at dignidad ng bawat mamamayan at hindi lamang nito papaboran ang iisang grupo.

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply