PNoy ginawa na namang ‘pulutan’ si GMA

MULI na namang ginawang pulutan ni Pangulong Benigno Aquino III ang Arroyo administration.

Sa pagharap ng Punong Ehekutibo sa Filipino community sa Auckland, New Zealand ay muli na namang nilatag ng Punong Ehekutibo ang mga problemang minana nito sa pagsisimula ng kanyang pag-upo sa puwesto noong 2010.

Partikular na tinukoy nito ang ilang bilyong pisong anomalya ng “Tulay ng Pangulo” program kung saan ilang kontrata pa ang pilit na inihabol isang araw bago ito maupo noong Hunyo 30, 2010.

Ibinunyag din ni Pangulong Aquino ang kasalatan sa paaralan at sobrang pag-angkat ng bigas na nalutas na nila ngayon.

Sa katunayan ay mahigit 60,000 kakulangan sa paaralan ay nabigyan na ng solusyon maging ang backlog sa mga libro at sa susunod na taon ay magiging rice sufficient na umano ang Pilipinas.

Sa kabilang dako, naging mabenta naman sa Filipino community ang mga “punchline” ng Pangulo lalo na ang “hindi lang daw ginagatasan ang pondo gobyerno, nais pa daw gawing bulalo.”

Matapos batikusin ang nagdaang administrasyon ay sabay buwelta naman ito sa pagsasabing hindi puro reklamo ang kanilang ginagawa dahil sa katunayan ay marami na rin silang na-accomplish.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply