PNoy iniinda pa rin ang sakit sa pulso

HANGGANG ngayon ay pinapagaling pa ni Pangulong Benigno Aquino III ang sakit na nararamdaman ng kanyang “wrist” o pulso.

Sa katunayan ay patuloy na nilalagyan ito ng brace kapag ang Pangulong Aquino ay nasa kanyang tanggapan.

“Well, it’s healing. Ang ano lang talaga, medyo nabubugbog lang kapag nakikipag-kamay, —medyo ‘yun lang ang ano doon. Pero sinabi po ng doktor na… Kaya nga binigyan ng brace para kapag nasa office lalagyan lang ng brace,” ani Sec. Lacierda.

Ang sakit ng “wrist” ng Punong Ehekutibo ay nakuha noong panahon ng relief efforts matapos hambalusin ng bagyong Habagat ang iba’t ibang panig ng bansa.

“Nung panahon pa ‘yun ng relief efforts ng ano… Remember, he was… Sa dami nang… Nangyari pa ‘yon ‘nung ‘Habagat’. He was giving out for three days relief goods (of) about three to five kilos—over (a period of) three days ‘yon. Nabugbog tapos sinabihan… I think akala niya mawawala ‘yung sakit, apparently it worsened. So ‘nung pumunta siya doktor sinabi ng doktor lagyan ng brace. Matagal na ‘yon, July pa yata,” ayon kay Sec. Lacierda.

Binigyang diin ni Sec. Lacierda na hindi ito fractured kung saan ay inihalintulad niya sa tennis elbow ang sakit.

Wala namang ideya si Sec. Lacierda kung parehong braso na pinapa-therapy ni Pangulong Aquino ang sumasakit niyang wrist.

Wala naman aniyang dapat na ikabahala ang publiko dahil hindi naman malala ang sakit ng wrist ni Pangulong Aquino.

Iyon nga lamang aniya ay hirap itong pumirma.

“Mahirap lang pumirma. Ang description ni Presidente ‘pag nakasuot ‘yung brace when he is signing medyo mahirap lang,” anito.

Samantala, kapag kailangan lamang ay saka lamang isinusuot ni Pangulong Aquino ang brace para sa kanyang wrist.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply