PNoy muling sinopla ni Rep. Casino

HUWAG tularan si Pangulong Aquino sa pagmamaliit sa mga kandidatong mababa ang popularity rating.

Ito ang apela ni Bayan Muna Rep. Teddy Casino sa mga political leaders.

Si Casiño ay kasalukuyang nasa Boracay at dumadalo sa 2012 Sangguniang Kabataan Regional Congress on Livelihood, Alternative Learning System and the Environment kung saan may 500 miembro at opisyal ang dumadalo mula sa iba’t ibang panig ng Kabisayaan.

“If you become the president someday, don’t be like the President. Always remember where you came from. Don’t belittle others for having low survey ratings because ordinary folk really start from the bottom and have to work their way up to the top. Unlike some lucky people we know, most of us don’t inherit fame and popularity,” giit ni Casino.

Ayon sa kongresista, hindi sapat ang mababang resulta ng survey para maliitin ang isang kandidato.

Paliwanag pa ng mambabatas na walang ipinanganak na lider kungdi ito ay napag-aaralan at marapat lamang na matuto ang isang lider sa kaniyang nasasakupan.

Kasabay nito ay ipinahayag ni Casiño ang kaniyang matibay na suporta na palakasin ang Sangguniang Kabataan (SK) sa halip na buwagin ito gaya ng panukala ng ilang kongresista.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply