PNoy pumabor na i-decriminalize ang libel

PUMABOR na ngayon si Pangulong Noynoy Aquino na ma-decriminalize ang Libel Law basta’t may kaakibat itong responsibilidad.

Sinabi ni Pangulong Aquino na bukas din siya na maamyendahan ang online libel clause ng kontrobersyal na Republic Act 10175 o Cybercrime Prevention Act of 2012.

Kamakailan ay naglabas ng Temporary Restraining Order and Korte Suprema sa pagpapatupad ng Anti-Cybercrime Law dahil sa kabi-kabilang batikos at 15 petisyong inihain sa Kataas-taasang hukuman na kumukwestyon sa naturang batas, partikular na ang ilang probisyon nito.

Kabilang dito, ang bahagi ng online libel at pagpapalawig ng parusa dito na umaabot ng 12 taong pagkakakulong gayundin ang pagbibigay ng kapangyarihan sa pamahalaan na mangalap ng real time traffic information nang walang kautusan mula sa korte.

Una nang nanindigan ang Pangulo sa pagsasabatas ng Cybercrime Law na kanyang pinirmahan noong Setyembre 12, 2012 at naging epektibo nitong Oktubre 3, 2012.

Kaugnay nito, iginagalang ng Department of Justice (DOJ) ang ipinalabas na TRO ng Supreme Court laban sa Cybercrime Prevention Act of 2012 o Republic Act 10175.

Ayon kay Justice Secretary Leila de Lima na susundin nila ang ipinalabas na pagbabawal sa pagpapatupad ng nasabing batas.

Kaugnay nito, tanggap na rin ng Malakanyang ang desisyon ng SC na magpalabas ng TRO kontra sa Cybercrime Prevention Act of 2012.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply