PNoy tinawag na phenomenon ni NSW Premier O’Farrell

TINAWAG na “phenomenon” ni New South Wales Premier Barry O’Farrell si Pangulong Benigno Aquino III.

Sa naging talumpati ni O’Farrel, sinabi nito na nakapag-welcome siya ng mga presidente, ministers at royalties subalit ngayon lamang siya tatanggap ng isang phenomenon.

Para kay O’Farrel, ang “Noynoy phenomenon” ay isang incredible force para sa kabutihan dahil kinakatawan aniya ni Pangulong Aquino ang serbisyo sa bayan.

Nauna nang kinilala nina Prime Minister Julia Gillard at Sen. George Brandis ang mga accomplishment ni Pangulong Aquino sa ginawang state dinner kagabi.

Tuwang-tuwa naman si Pangulong Aquino sa mainit na pagtanggap ng Australia government sa kanyang delegasyon.

Sa kabilang dako, kahit sumama ang pakiramdam ay itinuloy pa rin ng Punong Ehekutibo ang kanyang mga naka-iskdeyul na pulong sa mga opisyal at business leaders sa Sydney.

Matatandaang napaaga ang pag-alis at hindi na tinapos ni Pangulong Aquino ang state dinner sa Parliament Building kamakalawa ng gabi dahil sumama ang pakiramdam nito.

Sa ulat, bandang 9:40 ng umaga kahapon oras sa Sydney, alas-6:40 naman sa Pilipinas nang dumating sa Kingsford International Airport sa Sydney si Pangulong Aquino at 10:20 na nakapag-check-in sa kanyang tutuluyang hotel.

Batay sa kanyang schedule, alas-11:30 ng umaga ang courtesy call ni Pangulong Aquino kay Barry O’Farrell MP, premier ng New South Wales.

Sunod dito ang luncheon at meeting sa Withtelstra, Atlantic, Gulf & Pacific Company at Philippine-Australia Business Forum.

May meeting din ang Pangulo sa Macquarie at courtesy call ni Tony Abbott MP, leader ng oposisyon.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply