PNoy, ungentleman – Rep. Suarez

UNGENTLEMAN, ito ang itinawag ni House Minority Leader Danilo Suarez kay Pangulong Benigno Aquino III matapos ang  “wheelchair joke” nito na nagpatutsada kay dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo.

Sa isang press conference, sinabi ni Suarez na “this joke is ungentlemanly and unbecoming of a person in the President’s position. It is unsensitive to an ailing grandmother and disrespectful of a former Head of State.”

Ang biro ni Pangulong Aquno na nagsasabing sa Pilipinas ay ginagamit ang wheelchair sa pagtakas, ay ginawa nito sa harap ng mga mamamahayag sa Auckland, New Zealand.

Hindi aniya napapansin ng taumbayan na tila ginagawang “diversionary tactics” lamang ng administrasyon ang dating Pangulo upang malihis sa mga tunay na isyu.

Sinabi pa ni Suarez na “magaling ang media handling, we acknowledge that. But that cannot stay long.”

Samantala, malaki ang paniwala ni Suarez na hindi pa kayang dumalo ni Ginang Arroyo sa arraignment nito sa Lunes (October 29) sa Sandiganbayan kaugnay sa kasong plunder na inihain laban sa kanya.

Ito ay may kaugnayan sa diumano’y paglustay sa P366 milyon na intelligence funds ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO).

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply