PNoy wala sa state dinner dahil sa bum stomach

MAY bum stomach si Pangulong Benigno Aquino III kaya’t hindi nakadalo sa inihandang state dinner ni Australian Prime Minister Julia Gillard.

Ayon kay Presidential spokesman Edwin Lacierda, nag-text sa kanya si PCDSPO Secretary Ricky Carandang sinabing ayos na ang Pangulo.

Sinabi ni Presidential spokesman Edwin Lacierda na sa dami ng naging biyahe ni Pangulong Aquino ay ito ang kauna-unahang pagkakataon na nakaramdam ito ng stomach bum.

Wala namang dapat ipag-alala ang lahat dahil may kasama namang physician si Pangulong Aquino.

Bukod sa state dinner, sinabi ni Lacierda na hindi rin nakadalo si Pangulong Aquino sa coffee meeting sana nito kasama ang mga media.

“Wala silang chit-chat with the President. I am sure the MPC, our reporters, will understand the situation,” ang pahayag ng opisyal.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply