PNP, AFP nakaalerto sa unang araw ng filing ng CoC

ABALA ang Armed Forces of the Philippine at Philippine National Police sa pagtutok sa mga area na itinuturing na election hot spot at areas of immediate concern kaugnay sa unang araw ng paghahain ng certificate of candidacy para sa darating na 2013 midterm elections.

Ayon sa pamunuan ng PNP, layunin nilang matiyak na hindi na mauulit ang madugong Maguindnao Massacre na isinakatuparan sa panahon ng paghahain ng mga certificate of candidacy para sa mga kandidato sa lalawigan ng Maguindnao.

Sinabi pa ni Police Regional Office 10 Spokesperson P/Supt. Ronnie Cariaga, mas pinaigting nila ang seguridad sa mga entry at exit point partikular na sa Cagayan de Oro City at Mindanao Oriental.

Nabatid na nagdagdag din ng puwersa sa iba’t ibang city at provincial offices ng Commission on Elections (Comelec) kaugnay sa tiyak na pagbuhos ng mga kandidato kasama ang kanilang mga tagasuporta.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply