PNP alerto sa pagdating ng imahen ni Santo Pedro Calungsod sa Pinas

NAKA-ALERTO na ang pamunuan ng Philippine Ntional Police (PNP) sa pagbabalik sa bansa ng imahe ni Santo Pedro Calungsod mamayang alas-4:45 ng hapon.

Ayon kay PNP spokesman C/Supt. Generoso Cerbo Jr. kanilang babantayan ang seguridad ng mga deboto sa thanksgiving tour sa mga diocese.

Ipinaabot naman ni Father Francis Lucas, ang head ng CBCP Episcopal Commission on Social Communications and Mass Media, na kasado na ang mga aktibidad ng pagdating ng imahe ni Santo Pedro Calungsod sakay ng Cathy Pacific flight (CX 919) na mula s Hong Kong.

Sa pagdating sa NAIA VIP lounge ay magkakaroon ng maikling panalangin na susundan ng press conference.

Maglilibot ang imahe sa mga diocese sa Luzon para sa tinaguringa “Du-aw Nasud” bago dalhin sa lalawigan ng Cebu para sa mas malaking thanksgiving mass.

Matapos sa NAIA, ang unang destinasyon ng imahe ay sa University of Santo Tomas (UST) sa España, Maynila.

Bukas, Oktubre 26 hanggang October 27 ay dadalhin ang imahe ni Calungsod sa Diocese of Pasig habang sa Oktubre 28 naman ay sa diocese ng Antipolo.

Tutunguhin din nito ang Cubao, Pasig at motorcade patungong Parañaque.

Hanggang sa Oktubre 30 ay lilibot ang imahe nito sa Sta. Mesa, Pasay City, Novaliches at Fairview sa Quezon City.

Bahagi rin ng itinerary sa Oktubre 31 ay sa Camp Crame, Camp Aguinaldo at Shrine of St. Therese sa Villamor Air Base malapit sa NAIA Terminal 2.

Ibabyahe rin ang imahe sa Laoag, Vigan, Dagupan, Pampanga at Bulacan.

Babalik ito ng Metro Manila sa Nobyembre 7 at dadalhin sa harap ng Manila Cathedral kung saan may selebrasyon ng misa na isasagawa ganap na alas-12:00 ng tanghali na pangungunahan ni Archbishop Tagle.

Ilan pa sa schedule ng caravan ay sa Caloocan, Cavite, Lipa, Batangas, Lucena, habang sa Nobyembre 11 ay nasa Daet, Camarines Norte. Dadaanan din ng caravan ang Naga City.

Tutunguhin din ang lugar ng Legazpi City hanggang Nobyembre 12-13.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply