PNP general pinakakasuhan sa maling deklarasyon sa SALN

PINAKAKASUHAN ng Ombudsman si Regional Director Police Office ng Cordillera Administrative Region (CAR) Chief Supirentendent Eugene Gabriel Martin, dahil sa hindi nito pagdedeklara ng mga tunay na ari-arian sa kanyang Statement of Assets, Liabilities and Net Worth (SALN).

Maliban pa rito, may forfeiture proceedings din laban kay Martin at sa pamilya nito para marekober naman ang hindi mapaliwanag na yaman nito na nagkakahalaga ng P9 milyon.

Sa 16- resolusyon na inaprubahan ni Ombudsman Conchita Carpio Morales, pinasasampahan nito ng kasong perjury ang nasabing heneral dahil sa hindi paglagay ng mga ari-arian nito sa kanyang SALN.

Kabilang sa mga hindi inilagay sa SALN noong 1999 ni Martin ay ang residential lot at cockpit arena nito sa La Union habang noon namang taong 2000 ay hindi rin nito isinama sa kanyang SALN ang isang residential house sa Baguio City at ang saksakyan na Mitsubishi L-200 Strada na nakapangalan sa asawa nito na si Priscilla Marrero Martin.

Bukod pa roon, noon namang 2001 ay hindi rin isinama ni Martin ang Nisan Patrol M/T wagon na nasa pangalan ng kanyang asawa at anak na si Kurt Walter at noong 2002 ay hindi rin ideklara sa kanyang SALN ang kanyang house and lot na nasa Barangay Fairview, Baguio City.

Noong 2003 naman ay wala rin sa SALN ni Martin ang Cherokee Grand Jeep na nakapangalan din sa kanyang asawa.

Si Martin, na nagtapos sa Philippine Military Academy noong 1972 ay pumasok sa Philippine National Police (PNP) noong 1991 at ito ay na-promote bilang Chief Superintendent at naging Acting Regional Director Police Regional Office sa Cordillera Administrative Region (CAR) hanggang sa ito ay sampahan ng naturang kaukulang kaso.

Maliban sa kasong perjury, posible rin itong sampahan ni Ombudsman Morales sa Sandiganbayan ng dalawang bilang ng paglabag sa Section 8 ng Republic Act (R.A.) No. 6713 dahil sa bigong pagsusumite ng kanyang SALN noong 2004 at 2005.

Bukod sa mga ari-arian, hindi rin idineklara ni Martin ang travel expenses ng kanyang asawa na nagkakahalaga ng P269,000.

Ang pagsasampa ng kaso sa Sandiganbayan na iniutos ni Morales ay base na rin sa complaint na isinumite ng Fact-Finding Investigation Bureau ng Office of the Deputy Ombudsman for Military and Other Law Enforcement Offices (FFIB-MOLEO).

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply