PNP nagdagdag ng puwersa sa Comelec

(UPDATE) NAGPAKALAT ng karagdagang puwersa ang Philippine National Police sa iba’t ibang city at provincial offices ng Commission on Elections (Comelec) para tiyakin ang seguridad kaugnay ng pagbuhos ng mga kandidato sa unang araw ng filing ng certificate of candidacy (CoC).

Nais ng PNP na maiwasan o agad na masawata ang anumang banta ng karahasan o kaguluhan na maaaring pagmulan ng pagdanak ng dugo ngayong nagsimula ng umiral ang “political atmosphere” sa halos lahat ng panig ng bansa.

Kanina, nagsimula na ang mga politiko sa mga lungsod at maging sa mga lalawigan ang kanilang paghahanda para pumalaot sa larangan pulitika na sinimulan sa paghahain ng kandidatura.

Sa Maynila, buena mano sina Manila Mayor Alfredo S. Lim at ang running mate nitong si 6th District Councilor Lou Veloso para sa pagka-bise alkalde na maghain ng kanilang CoC kasama ang buong line-up ng partidong KKK-Liberal Party para naman sa kanilang city council slates.

Bago ang paghahain ng CoC ay dumalo muna sa isang misa ang alkalde kasama ang kanyang mga city councilor candidate at kani-kanilang mga tagasuporta mula sa anim na distrito ng Maynila.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply