PNP naka-alerto sa pirmahan ng GRP-MILF

TATLONG araw na ilalagay sa mataas na antas ng alerto ang buong puwersa ng Philippine National Police sa Metro Manila at ilang lugar sa Mindanao kaugnay sa gaganaping paglagda sa nabalangakas na Bangsamoro agreement.

Ito ay sa likod ng pahayag ng Malacañang na hindi umano dapat na iugnay ang mga kaguluhan gaya ng naganap na dalawang magkasunod na pagsabog sa Cagayan de Oro City at Zamboanga Sibugay sa nabuong peace frmework sa pagitan ng gobyerno at Moro Islamic Liberation Front

Sa Lunes, inaasahang wala ng magiging sagabal sa nakatakdang pirmahan kung saan sa unang pagkakataon ay tutungtong sa Malacanang ang mataas na pinuno ng MILF .

Titiyakin ng PNP na mgiging mapayapa at mapanatili ang seguridad sa ceremonial signing ng Bangsamoro deal sa araw ng Lunes, Oktubre 15 sa Malacañang na dadaluhan nina MILF Leader Al Haj Murad Ibrahim,  kasama si Malaysian Prime Minister Datuk Seri Najib Tun Razak at iba pang political leaders para makaharap sa paglagda si Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III.

Kapwa positibo ang Malacañang at MILF na magiging kapaki-pakinabang sa buong rehiyon ng Mindanao ang nabuong kasunduan hindi lamang para sa mamamayan nito kung hindi maging sa bussines sector bunsod ng iiral na pangmatagalang kapayapaan.

Bunsod nito, inalerto ng PNP National Capital Region Police Office sa pamumumuno ni Director Leonardo Espina ang lahat ng police district sa kanyang nasasakupan na paigtingin ang kanilang intelligence network.
.
Kamakalawa kasunod ng magkasunod na pagsabog ay inihayag ng PNP na kanilang tinitingnan ang posibleng kaugnayan ng pagsabog sa framework agreement na pinasok ng gobyerno at Moro Islamic Liberation Front (MILF).

Kaugnay nito, pinapatutukan ng Malacañang sa PNP ang mga kaso ng pagsabog upang mapanagot ang mga taong may kagagawan nito.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply