PNP naka-full alert sa CoC filing period sa VisMin

INILAGAY ng pamunuan ng Philippine National police sa full alert status ang kanilang puwersa sa buong panahong ng paghahain ng certificate of candidacy na nagsimula ngayong araw, particular na sa Mindanao at ilang bahagi ng Visayan region.

Ayon kay PNP Chief Director General Nicanor Bartolome, inilagay niya sa full alert condition ang lahat ng Mindanao-based Police Regional Offices kasama na ang puwersa ng Special Action Force (SAF) at kinakailangan na may 100% operational readiness upang tumugong sa biglang mga pangangailangan.

Nabatid na ipinatawag ni Bartolome ang lahat ng PNP Regional Directors mula sa Visayas at Mindanao para magbigay ng karagdagang direktiba at command guidance upang palakasin pa ang inilatag nilang security preparations sa panahon ng paghahain ng CoC na tatagal ng hanggang Oktubre 5 sa pakikipag-ugnayan sa Commission on Elections.

Samantala mananatiling nasa normal alert modes ang lahat ng PNP units sa Luzon at Visayas bagama’t may kautusan ang higher headquarters sa lahat ng police units na nasasaklaw na maglagay ng karagdagang security personnel upang matiyak ang seguridad sa mga local offices ng Comelec at paligid nito sa loob ng limang araw kung saan nakatakdang maghain ng CoC ang mga kandidato para sa national elective positions para sa nakatakdang May 2013 midterm polls.

Napag-alaman na na noong September 25 pa ay pinulong ni Bartolome ang lahat ng Luzon-based Regional Directors  upang magpatupad ng kanilang advance preparations bago pa dumating ang CoC filing period.

Samantala, inihayag naman ni NCRPO Regional Director P/Chief Supt Leonardo Espina na naglagay na ng karagdagang puwersa ang manila Police District bago pa nagbukas kanina alas-8:00 ng umaga ang Comelec.

Sa inisyal na ulat ng NCRPO kay Bartolome ay maituturing na umanong “generally peacefull” ang unang araw ng paghahain ng CoC na tinampukan ng mga convoy, caravans, marching bands at festive atmosphere na dala ng mga tagasuporta ng mga kakandidato.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply