PNP nakaalerto na sa Undas

INAASAHANG daragsa sa mga sementeryo ngayon ang mga tao kung kaya naman inalerto ang buong puwersa ng Philippine National Police (PNP), lalo na ang National Capital Region Police Office (NCRPO) ka-ugnay ng pagdiriwang ng Undas 2012.

Bukod sa pagdiriwang ng Undas 2012 ay naka-monitor din  ang PNP dahil sa maaari ring magsamantala rito ang mga kriminal, lalo na ang mga akyat-bahay gang, carjaker, holdaper at snatcher sa loob ng sementeryo.

At sana nga lang ay isapuso ng mga pulis ang pagmo-monitor sa mga kriminal, hindi ‘yung ang imo-monitor lang nila ay ‘yung mga taong maaari nilang pagkakitaan sa pamamagitan ng kung ano-anong violation.

Tradisyon na nating mga Pinoy  ang sumugod sa sementeryo tuwing Nobyembre 1 at 2 para dalawin ang ating mga namayapa nang mga  mahal sa buhay at iniiwanan ang ating bahay. Ang iba ay nagpapagabi sa pag-uwi at ang iba naman ay kinabukasan na kung umuwi. Kaya ang mga akyat-bahay gang naman ay nananamantala sa sitwasyon.

Kaya minsan pag-uwi nila ng bahay ay nalimas na ang kanilang mga gamit. Agad na tatawag ng pulis ngunit walang dumarating na pulis at sasabihing naka-monitor ang pulis
sa sementeryo.

Nakakatawa ano po? Dapat pag sinabing nakaalerto ang pulisya dapat hindi lang sa sementeryo  kundi maging sa kanilang nasasakupan ay may naka-monitor  din sila.

Kung minsan din, ang mga krimen ay hindi lang dapat sa mga kriminal isinisis kundi sa atin din dahil kung wala naman silang nakikitang “tukso” ay hindi rin sila gagawa ng krimen,  katulad ng robbery snatching. Kung walang nakikita ang mga kriminal na suot na alahas  ay hindi sila matutuksong agawin ang mga ito mula sa may suot ng alahas.

Kaya, iwasan natin ang magsuot ng mga alahas pagpunta sa sementeryo, at huwag text nang text habang naglalakad lalo na kung ang cellphone mo ay maganda, dahil mainit yan sa mata ng mga  agaw-cellphone gang.

Sundin natin ang paalala ng PNP  sa  pagpunta sa mga sementeryo, iwasang magdala ng mga  matatalas na bagay, huwag magdala ng alak o kahit na anomang nakalalasing at iwasan  ding magdala ng mga radio o sound system sa sementeryo.

Paalala lang po roon sa ating mga kababayan na may bitbit na mga bata, sana ay lagyan nila ng name tag sa kamay o kaya ay lagyan ng pangalan sa dibdib ang mga bata para kung sakaling  mawala man ang mga ito o kaya ay mabitiwan ay madaling  mahanap  o matunton.

At doon sa mga  maglalakbay pauwi sa kani-kanilang mga probinsiya, ay ipa-check ang inyong mga sasakyan bago umalis. Siguruhing walang nakalimutan at importante sa lahat, huwag magmamaneho nang nakainom o puyat at iwasan munang mag-cellphone habang nagmamaneho.

Bukas po ang Lily’s Files Column natin  para  sa inyong mga reklamo, suhestiyon at komento,  mag-text lang po sa 09155683000  at  09087230036  o kaya ay mag email lang sa … lpr_2012@yahoo.com …

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply